Manila, Philippines – Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay sa pagdetermina ng probable cause ng reklamo, nakatakdang humarap ngayong araw ang journalist na si Jomar Canlas.
Si Canlas ang pinangalanan ni Atty. Larry Gadon na nakausap umano ni SC Associate Justice Teresita de Castro sa mga binagong desisyon partikular na sa TRO ng Senior Citizens Coalition.
Nagpahayag na ng pagdalo sa hearing si Canlas habang hindi naman makakaharap sa pagdinig ang mga inimbitahang mahistrado ng Korte Suprema.
Kakailanganin pa muna ng mga mahistrado na kumuha ng “official permission” sa pamamgitan ng basbas ng en banc para payagan silang humarap sa pagdinig.
Kabilang sa inimbitahan ng komite na dumalo ngayong araw sa pagdinig ay sina De Castro, SC administrator Midas Marquez, SC spokesman Atty. Theodore Te, SC Clerk of Court Felipa Anama, Associate Justice Noel Tijam at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.