IMPEACHMENT CASE | Justice Committee Chairman Umali, itinanggi na nakipagsabwatan sa mga mahistrado para i-pressure na magbitiw si CJ Sereno

Manila, Philippines – Pinabulaanan ni House Committee on Justice Chairman Rey Umali, ang alegasyon na nakipagsabwatan siya sa mga Mahistrado ng Korte Suprema para i-pressure si SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw sa pwesto.

Inamin ni Umali na mayroon siyang personal na relasyon sa mga mahistrado ng Supreme Court pero hindi niya hiniling sa mga ito na magsalita laban sa Punong Hukom.

Paliwanag nito, binigyan lamang siya ng tip ng mga mahistrado kaugnay sa indefinite leave ni Sereno.


Ang kanyang suhestyon na mag-resign na ito ay bilang reaksyon lamang sa pahayag ng tagapagsalita ng Punong Mahistrado na magwe-wellness leave lamang ito.

Paglilinaw pa ni Umali, nanawagan lamang siya ng pagbibitiw ni Sereno dahil sa pagkakahati-hati na ng korte.
Itinanggi naman ni Umali kung sino at ilang mga mahistrado ang tumawag sa kanya.

Facebook Comments