Manila, Philippines – Tahasang tinawag ng mga abogado ni Supreme Court Chief Justice Sereno na niluluto ang proseso ng impeachment ni CJ Ma. Lourdes Sereno.
Sa pulong pambalitaan sa Quezon City, sinabi ni Atty. Winnie Salumbides na hilaw ang alegasyon ni Atty. Larry Gadon.
Lumilitaw na ampaw o walang batayan at kapos sa rason ang mga isinisiwalat ni Gadon kung kayat dapat ay agad na ibasura ang naturang impeachment complaint.
Pero sa nakikita nilang takbo ng pagdinig, mistulang hinihilot o ginagamot pa ang mga sumusulpot na butas sa testimonyo ni Gadon.
Kapag nagpatuloy ito ay malamang na mas darami pa ang susulpot na maninindigan para dumipensa kay CJ Sereno.
Facebook Comments