Impeachment case kay CJ Sereno, isang banta sa Hudikatura ayon sa isang mambabatas

Manila, Philippines – Itinuturing ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate na isang atake sa Hudikatura ang pagkakalusot sa sufficiency in form and substance ng impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) chief justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay Zarate, marami sa binabanggit na kasalanan ni Sereno ay patungkol sa pamumuno niya sa SC.

Mainam aniya kung niresolba ito ng sariling mekanismo ng pag-iimbestiga ng makataas na korte.


Hindi makatutulong sa pagpapalusog ng demokrasya ang nakaugalian na pagpapatalsik sa chief justice dahil lamang sa pampulitikang layunin.

Umaasa si Zarate na kapag tinalakay na ang probable cause sa reklamo kay Sereno ay makita ang mga bagay na ito.

Facebook Comments