IMPEACHMENT CASE | Korte Suprema, naglabas ng ilang kondisyon kaugnay ng oral argument hinggil sa quo warranto petition laban kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Naglabas ng ilang kondisyon ang Korte Suprema kaugnay ng oral argument sa quo warranto petition laban kay on leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Batay sa notice of resolution, dapat ay kilalanin ni Sereno na may hurisdiksyon ang korte para aksyunan ang anumang hiling nito.

Bukod sa kaniyang personal na pagdalo, nire-require rin si Sereno Na panumpaan ang mga komento ng kaniyang mga abogado kaugnay sa mga alegasyon laban sa kaniya.


Tinakda ang oral argument sa April 10 alas 2:00 ng hapon sa Baguio City sa summer session ng Supreme Court.

Facebook Comments