Manila, Philippines – Nagpatawag ng oral arguments sa Abril 10 ang Korte Suprema kaugnay ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida na kumukwestyon sa appointment ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Theodore Te, iniutos din ng SC na dumalo mismo si Sereno at hindi lang magpadala ng mga abogado para personal na sagutin ang tanong ng mga mahistrado.
Sa argumento ng OSG, hindi karapat-dapat na maupong Punong Mahistrado si Sereno dahil sa hindi niya pagsusumite ng 10 taong SALN noong 2012.
Kasabay nito, ibinasura ng korte ang hiwalay na hiling ng mga mambabatas mula Makabayan Bloc sa Kamara at grupo ni dating Pag-Ibig Fund Chief Executive Officer Mel Alonzo na makisali sa quo warranto case.
Habang “noted” lang naman ang kaparehong mosyon ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at hindi rin pinayagan.
Matatandaang kinontra ng OSG ang tatlong motion for intervention sa dahilang walang legal na personalidad at interes sa kaso ang mga ito.