Impeachment case laban kay VP Sara, bukod tanging agenda sa Miyerkules ng Senado

Sesentro ang Senado sa pagtalakay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa darating na August 6.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, ang Supreme Court ruling na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment case laban sa bise presidente ang tanging agenda nila sa sesyon sa Miyerkules.

Sinabi ni Villanueva na napagkasunduan nila ang nasabing petsa at bukod sa pagtalakay sa naging desisyon ng Korte Suprema ay inaasahang magsasagawa na rin sila ng botohan para rito.

Aminado si Villanueva na sa kanilang idinaos na caucus noong nakaraang linggo ay maraming mga lumabas na valid positions tungkol sa impeachment case at maingat nilang inaaral ang mga posisyon na ito.

Sinabi pa ng senador na ilang beses siyang nagpalit ng kanyang posisyon hanggang sa mabasa niya ang desisyon sa 97 page ng SC ruling kung saan nakwestyon ang hurisdiksyon ng Senate impeachment court dahil ang desisyon ay immediately executory o dapat na agad maipatupad.

Facebook Comments