IMPEACHMENT CASE | Leave of absence ni CJ Sereno, gagamitin sa paghahanda sa depensa sa korte

Manila, Philippines – Isang araw bago ang kanyang bakasyon, nagtalumpati sa pagtitipon ng mga Clerk of Court si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Sereno, gagamitin niya sa paghahanda sa depensa sa impeachment court ang kanyang leave of absence.

Inihayag din ni Sereno sa kanyang Talumpati sa 25th national convention ng Regional Trial Court Clerks of Court Association of the Philippines (RSAP) na idinaos sa Manila Hotel ,na lalaban siya nang patas hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa buong hudikatura.


Ang pagharap ni Sereno sa nasabing pagtitipon ang kanyang huling public engagement bago magsimula ang kanyang wellness leave bukas, March 1, 2018.

Bagamat siya ay nakabakasyon, tiniyak naman ni Sereno sa mga kawani ng korte na patuloy na gagampanan ng hudikatura ang misyon nito na itaguyod ang “Rule of Law” at maghatid ng katarungan sa bawat mamamayan.

Hinimok din niya ang mga kawani ng korte na patuloy lamang na tutukan ang kanilang trabaho.

Facebook Comments