Manila, Philippines – Itinanggi ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga alegasyon ni Associate Justice Teresita De Castro sa pagsalang nito sa impeachment hearing sa Kamara kahapon.
Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, tagapagsalita ni Sereno, walang inilabas na kautusan ang Punong Mahistrado na hindi sinang-ayunan ng Supreme Court En Banc.
Aniya, hindi naman direktang masabi ni De Castro kung impeachable offense ang inaakusa sa kanilang kliyente na isang patunay na mahina talaga ang reklamo.
Facebook Comments