IMPEACHMENT CASE | Ombudsman Morales, sinampahan ng kaso sa Kamara

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong impeachment ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Kamara.

Ang nasabing reklamo ay isinumite sa Office of the House Secretary General pero wala pang kongresista na mag-e-endorso.

Kasama sa mga complainant ng isinampang impeachment laban kay Morales ang pamilya ng SAF44, Tanggulang Demokrasya Inc., Vanguard of the Philippine Constitution Inc., dating MRT GM Atty. Al Vitangcol at mga dating kongresista na sina Glenn Chong at Jacinto Paras.


Sa 94 na pahina ng reklamong isinampa laban kay Morales, anim na grounds ang pinagbasehan ng impeachment complaint, ito ay ang culpable violation of the constitution, treason, bribery, graft and corruption at betrayal of public trust and other high crimes.

Ilan sa mga laman ng reklamo kay Morales ay bunsod ng pagsasapubliko nito ng bank records ni Pangulong Duterte na malinaw na paglabag sa Anti-Money Laundering Law, ang pakikipagsabwatan di umano nito kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sa pag-iimbestiga sa yaman ng mga Duterte, ang pag-dismiss at pagpabor sa kaso ni Dino Salceda kung saan ang abogado nito ay kapatid ng Ombudsman na si Atty. Lucas Carpio, pagpapabaya sa tungkulin nito at pagiral ng selective justice kung saan naging bias ito kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga kaso ng Disbursement Acceleration Program o DAP at Mamasapano case.

Ayon kay Paras, maghihintay sila ngayong araw para sa mag-eendorso ng impeachment laban kay Morales.

Facebook Comments