Manila, Philippines – Tumanggi muna si Ombudsman Conchita Carpio Morales na magbigay ng komento sa isinampang impeachment laban sa kaniya ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC).
Ayon Kay Morales, hanggat hindi pa niya nababasa ang kabuuan ng reklamo ay hindi pa siya maaring magsalita tungkol sa complaint laban sa kaniya.
Inaakusahan ng grupo si Morales ng culpable violation of the constitution, treason, bribery, graft and corruption, at betrayal of public trust.
Nilabag umano ni Morales ang Constitution matapos na payagan nito si Deputy Ombudsman Melchor Carandang na ilabas ang bank transaction ni Pangulong Duterte.
Kabilang pa sa mga reklamo ng VACC ay ang selective justice ni Morales.
Facebook Comments