IMPEACHMENT CASE | OSG, nalugod sa desisyon ng Korte Suprema na isalang sa oral arguments ang quo warranto petition laban kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Ikinalugod ni Solicitor General Jose Calida ang desisyon ng Korte Suprema na isalang sa oral arguments ang inihain nilang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Calida, mainam din na inatasan si Sereno ng kataas taasang hukuman na personal na dumalo sa oral arguments para sagutin ang katanungan ng mga mahistrado.

Ikinatuwa rin ni Calida ang pagbasura ng Korte Suprema sa hiling ng Makabayan Bloc sa kamara at ng grupo ni dating Pag-Ibig Fund Chief Executive Officer Zorayda Amelia Alonzo na maging intervenor sa kaso.


Makaka-antala lamang aniya kasi ito sa proseso ng pag usad ng kaso.

Ang oral arguments sa quo warranto petition ay itinakda ng Korte Suprema sa April 10, 2018 sa Baguio City.

Facebook Comments