IMPEACHMENT CASE | Pagbibitiw sa pwesto ni Justice Sereno, gawing New Year’s Resolution – Gadon

Manila, Philippines – Nanawagan si Atty. Lorenzo Gadon na magbitiw na sa pwesto si Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno bilang bahagi ng New Year’s Resolution.

Ito ay matapos bumaba ang public satisfaction ni Sereno sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Naniniwala si Gadon – sa mga iprinisintang ebidensya sa isinagawang impeachment hearings ng House Committee on Justice, pinatunayan lamang sa sambayanang Pilipino na guilty si Sereno.


Giit ni Gadon – kinakailangang iwanan ni Sereno ang kanyang pwesto ng may Delicadeza kung hindi na siya pinagkakatiwalaan ng taumbayan.

Ito ang paulit-ulit na panawagan ni Gadon para isalba ang integridad ng Hudikatura.

Pero nanindigan si Sereno na haharapin niya ang reklamong impeachment na inihain ni Gadon.

Facebook Comments