IMPEACHMENT CASE | Pagdedesisyon ng Korte Suprema sa Sereno quo warranto case, mapapaaga

Manila, Philippines – Mapapaaga ang paglalabas ng desisyon ng Supreme Court (SC) sa quo warranto case ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa source sa Korte Suprema, mula sa orihinal na petsang May 17, 2018, ilalabas ang ruling ng SC sa Quo Warranto sa Mayo a-onse kasabay ng inaasahang pagsusumite ng opinyon ng mga mahistrado.

Kalakip ng separate opinions ang boto ng Supreme Court Justices.


Posible ring magpatawag si acting Chief Justice Antonio Carpio ng botohan sa hapon ng May 11.

Layon ng quo warranto case ni Solicitor General Jose Calida na ipawalang-bisa ang pagkakatalaga ni Sereno bilang punong-mahistrado ng SC dahil sa kwestyon sa integridad nito kasunod na rin ng kabiguang magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Facebook Comments