Manila, Philippines – Ipinapa-subpoena ng House Committee on Justice ang records ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) na isinumite sa Judicial and Bar Council (JBC).
Ang mga nag-a-apply sa pagka-Chief Justice ay hinihingan ng JBC ng 10 years sa kanilang SALN.
Ayon kay Justice Vice Chairman Henry Oaminal, hindi makakuha ang University of the Philippines-Human Resource Development Office (UP-HRDO) ng SALN ni Sereno noong ito pa ay empleyado ng unibersidad.
Partikular na hinihingi ng komite ang SALN ng Punong Mahistrado mula 2002 hanggang 2012 o 10 taon bago ito maging Chief Justice.
Nauna nang nagpalabas ng subpoena ang komite sa mga naturang dokumento na naisumite naman sa Office of the Ombudsman.
Kanina ay nasa dalawang alegasyon pa lamang ang nabusisi ng komite ito ay ang pagbuo ng Judiciary Decentralized Office ng Region 7 na hindi dumadaan sa approval ng SC en banc at ang pagmanipula sa TRO ng Senior Citizens Party list.