Impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista, ihahain sa susunod na linggo

35

Manila, Philippines – Maghahain ng impeachment complaint si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista sa susunod na linggo.

Ito’y kasunod na rin ng mga akusasyon ni Patricia Paz sa hindi tamang pagdedeklara ni Bautista ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth at pagtanggap umano ng kickback mula sa Smartmatic.

Ayon kay Paras, kanya nang naka-usap ang isang mambabatas para mag-endorso ng kanyang ihahaing impeachment complaint.

Sinabi pa ni Paras na posible ring isama nila sa impeachment complain sina Commissioner Christian Lim at Commissioner Al Parreno.

Facebook Comments