Impeachment complaint at mga ebidensya laban kay Chief Justice Sereno, mahina?

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Antonio Trillanes IV na mahina ang impeachment complaint at mga ebidensya laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Trillanes, ito ang ipinapahiwatig ng paghikayat ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Sereno na magbitiw sa pwesto upang maisalba ang hudikatura.

Para kay Trillanes, hindi tamang manawagan ang palasyo na bumaba sa pwesto ang punong mahistrado.


Ipinunto ni Trillanes na kung talagang malakas ang impeachment complaint at mga ebidensya laban kay Sereno ay bakit hindi nila ito hayaang umusad sa kamara upang makarating sa senado at hayaang pagdesisyunan ng mga senador na tatayong hukom ng impeachment court.

Facebook Comments