Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang Kamara sa botohan sa plenaryo sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali, anuman ang maging desisyon ng quo warranto petition ay tuloy pa rin ang kanilang botohan sa impeachment.
Nakatakdang maisalang ang botohan sa plenaryo sa pagbubukas muli ng sesyon ng Kongreso sa Martes, Mayo 15.
Ikinakabahala naman na magkaroon ng constitutional crisis sa oras na magsabay ang pagtalakay ng Korte Suprema sa quo warranto petition at sa pag-usad naman kung sakali sa Senate Impeachment Court ng kinakaharap na impeachment complaint ni Sereno.
Tiniyak naman ni Umali na gagawin nila ang kanilang makakaya para hindi humantong sa krisis ang sitwasyon.