IMPEACHMENT COMPLAINT | Complaint laban sa 7 SC Justices, inihain sa Kamara

Inihain na ngayong hapon ng Magnificent 7 sa Kamara ang impeachment complaint laban sa pitong Mahistrado ng Korte Suprema.

Manila, Philippines – Ito ay kaugnay sa ginawang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Individual impeachment complaint ang inihain nila Albay Re. Edcel Lagman, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Magdalo Rep. Gary Alejano sa pitong Associate Justices na sina


Teresita De Castro
Diosdado Peralta
Lucas Bersamin
Francis Jardeleza
Noel Tijam
Andres Reyes Jr.
at
Alexander Gesmundo

Isinumite ang impeachment complaint sa tanggapan ni House Sec Gen Roberto Maling for verification.

Ang grounds ng impeachment complaint ay culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.

Naniniwala ang mga kongresista na paglabag sa Konstitusyon ang pag-apruba ng Korte Suprema sa quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno dahil sa ilalim ng saligang batas ay maaari lamang mapatalsik ang gaya nitong impeachable official sa pamamagitan ng impeachment process ng Kongreso.

Facebook Comments