Monday, January 26, 2026

Impeachment complaint, hindi uusad kung walang kongresistang mag-endorso

Nilinaw ngayon ni House Committee on Justice chairperson at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na hindi uusad at hindi maisusumite sa tanggapan ng House Speaker ang impeachment complaint kung walang mag-i-endorso dito na Kongresista.

Paalala ito ni Luistro sa mga pribadong indibidwal o grupo na naghahain ng impeachment complaint.

Ang pahayag ni Luistro ay sa harap ng magkakasunod na mga reklamong impeachment na inihain laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Tanging ang impeachment complaint pa lang na inihain ng abogadong si Atty. Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Pinoy Partyist Rep. Jernie Jett Nisay ang naisusumite sa tanggapan ng House Speaker.

Una ng tiniyak ni Luistro na agad nilang aaksyunan ang anumang impeachment na mai-refer sa kanyang komite upang suriin kung ito ay sufficient in form ang substance.

Facebook Comments