Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Senator Antonio Trillanes IV na ikinayayanig ngayon ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impeachment complaint na inihain laban dito ni Magdalo Representative Gary Alejano.
Kantyaw pa ni Trillanes sa mga kongresistang kaalyado ng Pangulo sa Kamara, malas ng mga ito dahil hindi nila pwedeng brasushin ang pagbasura sa impeachment complaint sapagkat nakabakasyon ang kongreso ng halos dalawang buwan.
Ayon kay Trillanes, sa mahabang bakasyon ng session hanggang Mayo 2 ay marami ang pwedeng mangyari.
Samantala, nilinaw naman ni Trillanes na walang kinalaman si Vice President Leni Robredo sa pagpapa-impeach sa Pangulo.
Ang pagtatanggol ni Trillanes kay Robredo ay tugon sa paulit-ulit na pagdawit dito ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagpapa-impeach kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Alvarez, sangkot si Robredo sa planong pagpapatalsik sa Pangulo dahil nagmamadali itong maka pwesto sa Malakanyang.
Binigyang diin ni Trillanes na ang paghahain ng impeachment case laban kah President Duterte ay solong desisyon ng kanilang grupong Magdalo.