Impeachment complaint kay Bautista, posibleng maibasura agad

Manila, Philippines – Malaki ang posibilidad na maibabasura lang ng Kamara ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, malaki ang posibilidad na maibasura ito dahil sa depekto na verification form na ginamit sa reklamo laban kay Bautista.

Ang ginamit dito na verification form ng ihain nila Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras ay para sa endorsement ng 1/3 ng mga kongresista para ma-shortcut ang proseso ng impeachment at maidiretso ang reklamo sa impeachment court.


Ito rin ang pangunahing dahilan kung kaya’t naibasura ang impeachment complaint na inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine Constitution laban naman kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Tiniyak ni Umali na pag-aaralan ng husto ang complaint at magiging mahigpit sa pagtupad sa panuntunan ng impeachment complaint.

Naipagpaliban ngayong araw ang pagdinig sa impeachment complaint na gagawin naman bukas ng umaga sa Belmonte Hall ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments