Impeachment complaint kontra kay CJ De Castro gugulong na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Hindi pa man nag-iinit sa kaniyang pagkakatalaga bilang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Posibleng harapin na agad ni Chief Justice Teresita De Castro ang impeachment proceedings na isinampa laban sa kaniya sa House of Representatives sa susunod na linggo.

Ayun sa House Committee on Justice panel chair at Mindoro Representative Doy Leachon posibleng simulan ang pagdinig sa reklamo kontra kay De Casto at anim pang mahistrado ng Korte Suprema sa Setyembre a-kuwatro.


Tiniyak ni Leachon na magiging transparent ang Kamara sa pagdinig sa kaso nina De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Norl Tijam, Andres Reyes, Jr. at Alexander Gesmundo.

Sinampahan ng impeachment complaint ng mga miyembro ng oposisyon sina De Castro dahil umano sa illegal na pagsipa kay Maria Lourdes Sereno bilang chief justice.

Ayon sa grupo sa pangunguna ni Albay Representative Edcel Lagman, tanging Kongreso lamang ang puwedeng magtanggal kay Sereno at hindi sa pamamagitan ng Quo Warranto Petition na isinampa laban sa kaniya ni Solicitor General Jose Calida.

Facebook Comments