Impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, idineklarang sufficient in form at substance

Manila, Philippines – Sa botong 30 na pabor at apat tumutol sa mga miyembro ng House Committee on Justice idineklara nang sufficient in form ang ang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon laban kay SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ay para sa mga kasong betrayal of public trust, Culpable Violation of the Constitution, corruption at iba pang high crimes.

kabilang sa mga alegasyon ni Gadon ay ang pagbili ni Sereno ng overpriced P5.1 million na brand-new Toyota Land Cruiser, hindi pagkakadeklara sa kaniyang stament of assets, liabilities and
networth ng mga “exorbitant lawyer’s fees” na nagkakahalaga ng
P37 million, at mga expensive travel allowances, at iba pang high crimes.


Ayon sa mga tutol sa pagbotosa sufficiency in form ng reklamo ni Gadon, sinasabi nila na hearsay lamang ang mga alegasyon dahil ang mga ebidensya ay galing sa newspaper clippings.

Sinabi naman ni Cong. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Justice na dumaan sa verification ng mga endorsers ang complaint at nakita na may kaakibat naman itong authentic documents.

Facebook Comments