Manila, Philippines – Isinalang na ngayong umaga ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.
Dito ay dedesisyunan kung sufficient in form at substance ang reklamong inihain laban sa COMELEC Chairman.
Alas-9:30 ng umaga nagsimula ang pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint na inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.
Dalawang grounds ang inilatag ng complainants sa reklamo laban kay Bautista , ito ay ang betrayal of public trust at culpable violations of the constitution.
Pinagbasehan sa reklamo ay ang sinasabing maling pagdedeklara ng SALN ni Bautista, COMELEAK, pagtanggap ng komisyon sa Divina Law Office at pagkakaroon ng ill-gotten wealth na aabot sa 1.2 Billion pesos.
Umaasa naman ang mga endorsers ng impeachment complaint na sina Deputy Speaker Gwen Garcia, Kabayan Rep. Harry Roque at Cavite Rep. Bambol Tolentino na papasa ang reklamo at hindi agad na ibabasura dahil sa usapin ng teknikalidad.