Impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Bautista, ibinasura matapos ideklarang insufficient in form

Manila, Philippines – Sa hinaba-haba ng debate ng House Justice Committee, ibinasura ng komite ang mosyon nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Rep. Jacinto Paras na tanggapin ang kanilang substitute verification para sa impeachment complaint laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Nasa 27 ang bumoto ng Yes habang 2 naman ang bomoto ng No.

Layon ng substitute verification na amyendahan at ayusin ang depekto sa orihinal na verification kung saan sinasabing ang kanilang reklamo kay Bautista ay nakabase lamang sa kanilang paniniwala na tama ito salig sa mga dokumento.


Sa substitute verification, binago ang complaint at nakabase na ito sa personal knowledge ng mga complainant at nakabatay sa authentic documents.

Nanindigan si Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na hindi na magiging liberal ang komite sa pagtimbang ng sufficiency in form and substance ng complaint alinsunod sa naging desisyon noon nang ibasura ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

Samantala, idineklara na ring walang sapat na porma o insufficient in form ang orihinal na verified complaint.

Sa botong 2-26 ay insufficient in form at tuluyan ng nadismiss ang reklamo.

Agad na gagawan ito ng committee report at isusumite ng Justice Committee ang final report sa Secretary General Office at Committee on Rules.

Nais ni Garcia na ibalik sa mga complainant ang reklamo na hindi nai-didismiss ang kaso pero hindi ito pupwede dahil kapag insufficient in form, otomatikong basura na ang reklamo tulad sa Jimenez Vs. Sereno case.

Dahil sa one year ban rule, sa susunod na taon pa pwedeng makapaghain ng impeachment laban kay Bautista.

Facebook Comments