Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, inaming walang numero

38

Manila, Philippines – Inamin ni Magdalo Rep. Gary Alejanona wala silang bilang sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.
Aminado si Alejano na hindi pa nila naaabot ang bilang na 98 na kailangan para maiakyat sa impeachment court ang reklamo.
Dahil dito, hinikayat ni Alejano ang mga mambabatas nasumusuporta sa inihain niyang impeachment na huwag lumantad.
Dini-discourage din ni Alejano na pumirma ang mga mambabatas sa impeachment complaint.
Paliwanag nito, naiintindihan niya ang sitwasyon ng mga mambabatas na ayaw lumutang dahil sa posibilidad na mapaginitan ng administrasyon.
Sakaling makuha nila ang numero ay saka lamang papayagan ni  Alejano na lumantad ang mga mambabatas na susuporta sa impeachment complaint.

Facebook Comments