Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, sisimulan ng dinggin sa susunod na linggo

69

Manila, Philippines – Sisimulan na sa susunod na Linggoang pagdinig ng impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejanolaban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas,irerefer ni Speaker Pantaleon Alvarez sa House Committee on Justice ang reklamoat pagdedebatehan pa kung sufficient in form at sufficient in substance angimpeachment complaint. Kung sakali na kulang o hindi makitaan ng grounds para saimpeachment complaint ay tiyak na maibabasura ang nasabing reklamo. Ilan sa mga naging batayan ng paghahain ng impeachmentcomplaint laban kay Duterte ay culpable violation of the constitution, betrayalof public trust at iba pang high crimes. Samantala, kasalukuyan namang inaabangan ng mga kagawadng media dito sa Mababang Kapulungan ang nakatakdang paghahain ng impeachmentcomplaint laban naman kay VP Leni Robredo na pangungunahan ni Atty. TrixieAngeles at Atty. Bruce Rivera.
 

Facebook Comments