Manila, Philippines – Tuluyan ng ibinasura sa kamara ang Impeachment Complaint na inihain ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasa 217 ang bumoto sa plenaryo na ipabasura ang Impeachment Complaint habang 4 naman ang tutol na ibasura ang reklamo.
Nangangahulugan rin ito na hindi na maaaring magsampa ng Impeachment Complaint sa pangulo sa loob ng isang taon o hanggang mayo 9, 2018.
Una na ring ibinasura ng house Committee On Justice ang Impeachment Complaint dahil sa kawalan ng sustansya dahil pawang hearsay at walang firsthand information si Alejano sa mga akusasyon niya laban sa pangulo.
Kasama sa naging batayan sa impeachment ang mga nangyayaring Extra Judicial Killings dahil sa War on Drugs, isyu ng ‘di maipaliwanag na yaman ng pangulo, Davao Death Squad at usapin sa Benham Rise.
* DZXL558*