Impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, mababasura lang – Malacañang

Hindi natatakot si Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang impeachment complaint na posibleng ihain laban sa kanya kaugnay ng mga pahayag niya sa isyu ng territorial dispute sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak namang mababasura lang ang impeachment case.

Aniya, hindi dapat makalimutan ng lahat na ang impeachment trial ay isang number’s game at mayorya ng nasa kongreso ay kaalyado ng pangulo.


Bukod dito, tiwala rin si Pangulong Duterte na wala siyang ginagawang “unconstitutional” dahil alinsunod sa saligang batas ang kanyang ginagawa para protektahan ang mga Pilipino at ang bansa.

Para kay dating UP College of Law Dean Pacifico Agabin, culpable violation ng konstitusyon at betrayal of public trust ang mga magiging paglabag ng pangulo kapag hindi nito ipinagtanggol ang yamang dagat ng Pilipinas.

Diin naman ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Prof. Jay Batongbacal, nais lamang nila sa pangulo na tiyaking ang Exclusive Economic Zone ng bansa ay para lamang sa mga Pilipino.

Una nang sinabi ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na ikinalulungkot niya ang banta ng pangulo.

Umaasa si Del Rosario na gawing prayoridad ng gobyerno ang mga mamamayan nito sa halip na China.

Facebook Comments