
Pormal nang isinumite sa tanggapan ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inihain ni Atty. Andre de Jesus at inendorso ni House Deputy Minority Leader Pusong Pinoy Party-list Rep. Jett Nisay.
Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil.
Sabi ni Garafil, ito na ang hudyat ng pagsisimula ng internal process ng pagtupad ng Kamara sa mandato nito batay sa itinatakda ng Konstitusyon, patakaran ng Kamara at mga umiiral na protocol.
Tiniyak ni Garafil na mahigpit na nasunod ang proseso sa pagtanggap sa nabanggit na dokumento kung saan ito ay maayos nai-record at naibigay sa kaukulang tanggapan.
Mayroong 10 session days ang tanggapan ng House Speaker para maisama ang impeachment complaint sa Order of Business ng plenaryo.
Kasunod nito ay mayroong 3 session days naman para mai-refer ito na syang tatalakay at tutukoy kung sufficient ito inform and substance.










