Monday, January 19, 2026

Impeachment complaint laban kay PBBM, tinanggap na ng House Secretary General at isusumite sa tanggapan ni Speaker Dy

Kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil ang pagtanggap sa verified impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (PBBM) na inihain ng pribadong indibidwal na si Atty. Andre de Jesus at inendorso ni Pusong Party-list Rep. Jernie Jett Nisay.

Ayon kay Garafil, iaakyat kay Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang impeachment complaint laban kay PBBM alinsunod sa itinatakda ng konsitusyon at rules ng House of Representatives.

Batayan ng impeachment complaint ay graft and corruption, culpable violation of the constitution, at betrayal of public trust.

Kabilang sa mga aksyon ni PBBM na tinukoy sa reklamo ang umano’y pagpapadukot nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kanya sa International Criminal Court.

Binanggit din ang pagiging addict umano ni PBBM sa ilegal na droga na nakakaapekto sa pamumuno nito sa bansa.

Nakasaad din sa reklamo ang hindi nito pag-veto sa unprogrammed appropriations sa ilalim ng national budget noong 2023, 2024, 2025 at 2026.

Nakinabang din umano si PBBM sa mga kickback mula sa flood control projects at ang paglikha nito sa Indpendent Commission for Infrastructure para protektahan ang mga tiwaling kaalyado.

Facebook Comments