Impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, hawak na ni House Speaker Pantaleon Alvarez

 
Manila, PhilippinesKinumpirma sa interview ngRMN na hawak na ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang impeachment complaintlaban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ayon kay Atty. Bruce Rivera, tagapagsalita ngimpeach Leni movement – inendorso na ito kay Alvarez para masimulan angpaggulong ng impeachment sa kamara.
 
Ayon naman kay Atty. Barry Gutierrez, Spokesmanni VP Robredo, hindi sila nababahala sa inihaing reklamo dahil wala naman itongbasehan.
 
Tuloy lang aniya ang trabaho ni VP robredo.
  
Nabatid na graft and corruption, betrayal ofpublic trust at culpable violation of the constitution ang ginawang basehan ngimpeachment complaint.
 
   
   

Facebook Comments