Impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, isasapubliko na bukas

130

Manila, Philippines – Bukas na isasapubliko ang kopya ng impeachment complaint na ihahain laban kay Vice President Leni Robredo.

 

Basehan ng kaso ang ginawang pagpapadala ni Robredo ng video sa United Nations tungkol sa umano’y “palit-ulo scheme” na konektado sa war on drugs ng gobyerno.

 

Ayon kay Atty. Trixie Angeles, bukas haharap sa media ang mga maghahain ng reklamo bago ito dalhin sa tanggapan ng Secretary General ng House of Representatives.

 

Una rito, nagbigay na rin kay Speaker Pantaleon Alvarez ng kanilang bersyon ng impeachment sina Atty. Oliver Lozano at Mel Chavez.

 

Gayunman, duda pa rin ang ilang mambabatas na impeachable offense ang ginawa ni Robredo kaya idadaan muna ito sa pagsusuri ng House Committee on Justice.



Facebook Comments