
Kumpyansa si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. Na muling makakakuha ng 1/3 votes ng mga kongresista ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte para maipadala agad sa Senado na syang tumatayong Impeachment Court.
Ayon kay Abante, na isa sa mga endorser ng ikaapat na impeachment laban kay VP Sara, 311 ang kabubuang bilang ng mga kongresista ngayong 20th congress at 105 lang ang botong kailangan para maipadala agad ang reklamo sa Senado.
Ipinunto ni Abante, na 215 na mga kongresista ang sumuporta sa impeachment complaint laban kay VP Sara noong nakaraang taon kaya siguradong magiging madali na makumbinsi ang kahit 105 sa kanila para isulong na muling ma-impeach ang bise presidente.
Paliwanag ni Abante, kapag nakamit ang naturang bilang ay hindi na dadaan pa sa Committee on Justice ang reklamo at ura-uradang dapat isalang sa impechment trial si VP Sara.










