Impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, posibleng ituloy ng Kamara —Sen. Imee Marcos

Mukhang itutuloy pa rin ng Kamara ang pagsasampa ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang pahayag ni Senator Imee Marcos sa kabila ng panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na huwag nang ituloy ang paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Duterte dahil aksaya lamang ito ng oras at hindi naman ito magbibigay ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Sen. Marcos, na kilalang kaibigan ni VP Sara, naninindigan ang mga kongresista na katungkulan at responsibilidad nila na pangasiwaan ang bawat impeachment complaints, ibig sabihin, klarong itutuloy nila na dinggin ang reklamong pagpapatalsik sa bise presidente.


Naniniwala ang mambabatas na makalulusot sa Kamara ang impeachment case dahil anuman aniya ang ninanais ng liderato doon ang siyang nasusunod.

Mababatid na mayroong niluluto ang ilang mga kongresista na impeachment complaint laban kay Duterte dahil sa umano’y betrayal of public trust, bribery at iba pang matataas na krimen tulad ng plunder na target ihain bago matapos ang taon.

Facebook Comments