Manila, Philippines – Humarap sa Kamara ang asawa ni COMELEC Chairman Andres Bautista na si Patricia “Tish” Bautista kasama ang abogado na si Atty. Lorna Kapunan at Kabayan Rep. Harry Roque.
Nakiusap ang mga ito na huwag agad patayin ang impeachment complaint dahil sa isyu ng technicality.
Ayon kay Tish Bautista, handa siyang humarap at kumpirmahin ang mga dokumentong inihanda laban sa asawa sa impeachment hearing bukas kung pahihintulutan ng komite.
Iginiit naman ng abogado nitong si Atty. Kapunan na hindi dapat ibasura ang reklamo sa unang round pa lamang ng dahil sa teknikalidad.
Aniya, ang impeachment hearing bukas ang proper venue para sagutin ni Chairman Bautista ang mga reklamo laban dito tulad ng mga nauna nitong pahayag.
Tiniyak naman ni Tish na may mga authentic documents ito na magpapatunay tungkol sa mga ill-gotten wealth ni Bautista na aabot sa 1.2 Billion pesos.