Manila, Philippines – Ipinag – dasal ng ilang religious group at ilang mga estudyante ng UP Diliman si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa gitna ng kinakaharap nitong impeachment complaint.
Isang misa ang isinagawa na na dinaluhan din ng ilang mga dating miyembro ng gabinete ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Dumalo din nismo si Sereno at nagpasalamat sa mainit na suportang ibinigay sa kanya.
Ayon kay CJ Sereno, ngayon ang panahon na dapat ipabatid sa sambayanang pilipino na siya ay iniluklok para pangalagaan ang hustisya at maglatag ng reporma sa hudikatura.
Independent aniya ang trabaho ng isang Chief Justice at hindi kumikiling kaninuman.
Dapat aniya na alamin ang bawat panig para malaman ang tunay na katotohanan.
Walang binanggit o tinukoy si CJ Sereno ng anumang tungkol sa inaakusa laban sa kanya.