Impeachment kay VP Sara Duterte, napagkukwentuhan lang at wala sa plano ng mga kongresista

Ayon kay House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, napagkukwentuhan pa lang at hindi pa seryosong pinaplano ng mga kongresista ang impeachment laban kay Vice-President Sara Duterte.

Bunsod nito ay sinabi ni Castro na sila sa Makabayan Bloc ay naniniwala na masyado pang maaga ang impeachment talks laban sa ikalawang pangulo.

Gayunpaman, diin ni Castro, malinaw nitong ipinapakita na nagkakaroon na ng lamat sa panig ng UniTeam.


Giit ni Castro, ang kailangan nila ngayon mula kay Vice-President (VP) Sara ay ang paliwanag kung paano nito ginastos ang kontobersyal na P125 million confidential funds noong 2022.

Ipinunto ni Castro na ang dami nang nangyari mula Agosto hanggang ngayon pero hindi pa rin sinasagot ni VP Duterte kung saan niya ginastos sa loob ng 11 araw ang P125 milyon na confidential funds.

Facebook Comments