Binigyang diin ni House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega na hindi napag-usapan ang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa ginanap na “Christmas fellowship” sa Malacañang noong Miyerkules ng gabi.
Sa naturang event ay nasa 200 mga kongresista ang dumalo at nagpresenta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng “manifesto of support” at isang pinagtibay na House Resolution.
Ayon kay Ortega, nagkwentuhan lang sila kasama ang pangulo at hindi napag-usapan pulitika.
Facebook Comments