Monday, February 2, 2026

Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, planong ihain ngayong araw sa Kamara

Alas nuwebe ngayong umaga ay nakatakdang muling maghain ng impeachment complaint laban kay vice president sara duterte ang iba’t ibang Civil Society at Religious Groups, mga Concerned Citizens at Makabayan Bloc.

Ang muling paghahain ng reklamo laban kay VP Sara ay kasunod ng pagpapatibay ng supreme court sa nauna nitong pasya na unconstitutional ang articles of impeachment laban sa bise presidente.

Limang articles of impeachment ang nakapaloob sa reklamong ihahain ngayong araw na kinabibilangan ng culpable violations of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes.

Nag-ugat ito sa umano’y pagkuha ni VP Sara ng papatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Kasama din sa grounds ang maling paggamit sa confidential a intelligence, bribery, illegal wealth accumulation, money laundering at bigong pagdeklara ng mga ari-arian sa kanyang Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth.

Nakapaloob din sa impeachment complaint ang pagpapahintulot umano ni VP Sara sa extra-judicial killings (EJK) at pagpaplanong idestabilisa ang gobyerno.

Facebook Comments