Wednesday, February 25, 2026

Impeachment proceedings, maaring makakaapekto sa magiging desisyon ng mga botante sa 2028 elections

Sa tingin ni House Committee on Justice chairperson Batangas Rep. Gerville Luistro, maaring makaapekto sa magiging desisyon ng mga botante kaugnay sa 2028 Presidential Election ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Luistro, hindi maiiwasang maimpluwensyahan ang sentemyento ng mga botante sa ikakasang pagtalakay sa apat na impeachment complaints laban kay VP Sara.

Ayon kay Luistro, ito ay dahil mapag-uusapan ang mga grounds ng impeachment kung saan nakapaloob ang mga alegasyon laban sa bise presidente kaya posibleng makaapekto ito sa mga Pilipino kung paano sila magpapasya para sa susunod na Presidential Election.

Mayroong 60-session days ang komite para tapusin ang pagtalakay sa apat na impeachment complaint laban kay VP Duterte at sa pagtaya ni Rep. Luistro ay hindi naman sila aabutin hanggang sa filing of candidacy sa susunod na taon para sa mga kakandidato sa 2028 elections.

Facebook Comments