Posibleng matuloy ang impeachment proceedings sa Senado kahit papalapit na ang halalan sakaling iakyat ng Kamara ang reklamo ng pagpapatalsik laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang Senado kasi ang tatayong impeachment court habang ang mga senador naman ang aaktong hukom sa impeachment case laban kay VP Sara.
Ayon kay Senate President Chiz Escudero, sakali mang maiakyat sa Senado ay pagbobotohan ng mayorya kung paano ang magiging proseso ng kanilang paglilitis.
Iyon lamang dahil araw-araw ang magiging impeachment proceedings, hindi pa alam ng liderato ng Senado kung sa papaanong paraan ito titingnan ng mga re-electionist.
Hindi rin aniya dapat maging kwestyon ito na malulugi ang mga re-electionist dahil hindi makakapagikot sa bansa dahil sakali mang iakyat ang reklamo sa Senado ay tungkulin din naman nilang gampanan ang papel na iniatang sa kanila bilang impeachment court.
Magkagayunman, posible ring baguhin ng mayorya ang rules ng impeachment proceedings gayunman kakain pa ito ng panahon bago maisapinal dahil kailangang i-publish muna sa loob ng 15 araw.