IMPEACHMENT | Separation of powers, hindi dapat baliwalain

Manila, Philippines – Hindi dapat baliwalain ng House Committee on Justice ang prinsipyo ng separation of powers ng tatlong sangay ng gobyerno.

Giit ni Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Supreme Justice Ma. Lourdes Sereno, ang bawat sangay ng pamahalaan ay may kaniya-kaniyang tungkulin at mayroong kasarinlan na dapat igalang.

Bagaman respondent, sinabi ni Cruz dapat ay mayroong ring presumption of innocence para sa Punong Mahistrado.


Umaasa rin aniya sila ng patas na pagdinig ang komite sa delibirasyon sa impeachment case ng Punong Mahistrado lalo’t walang sapat na batayan at ebiensya ang reklamo ni Atty. Larry Gadon.

Facebook Comments