Impeachment trial kay VP Sara, dapat ituloy anuman ang sinasabi ng mga survey

Hindi ang resulta ng mga survey ang dapat maging batayan sa magiging hakbang kaugnay sa kinakaharap na impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Giit ng isang miyembro ng House prosecution team na si Batangas Rep. Gerville Luistro, ang dapat masunod ay kung ano ang itinatakda ng konstitusyon.

Ayon kay Luistro, malinaw ang atas ng Saligang Batas na dapat magsagawa ng impeacment trial ang Senado bilang impeachment court.

Pahayag ito ni Luistro sa harap ng resulta ng Social Weather Stations o SWS na 42 percent ng mga Pilipino ang kontra sa paghahain ng impechment complaint kay VP Sara at 32 percent ang pabor habang 44 percent naman ang naniniwala na sinasadyang i-delay ng Senado ang paglilitis.

Facebook Comments