Impeachment trial kay VP Sara, hindi dapat abandonahin

Iginiit ni incoming Mamamayang Liberal o ML Party-List Representative Leila de Lima, na dapat matupad ang pagsasagawa ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ni De Lima, na nakatakdang maging miyembro ng House Prosecution Team sa 20th Congress, na ang pag-abandona rito ay pag-abandona rin sa mamamayan na patuloy na naniniwala at umaasa sa hustisya.

Mensahe ito ni De lima sa harap ng mga bulong na hindi na raw uusad ang impeachment case laban kay VP Sara dahil dead-on-arrival na at kulang sa boto at maging si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay nagpapahiwatig na wala siyang kinalaman o kagustuhan dito.

Panawagan ni De Lima, alinsunod sa Konstitusyon ay dapat hayaan na madinig ang kaso upang mailatag ang mga ebidensya at mailabas ang katotohanan.

Ayon kay De Lima, ang mga ebidensiya mismo ang magpapakita kung talagang walang sapat na batayan ang mga akusasyon laban sa ikalawang pangulo.

Facebook Comments