Impeachment trial, maaga pa para sabihing magiging magastos

Hinamon ni La Union 1st District Representative Paolo Ortega V ang kampo ni Vice President Sara Duterte na ilahad sa publiko ang isang malinaw na cost-benefit analysis.

Reaksyon ito ni Ortega sa sinabi ni Office of the Vice President Spokesperson Ruth Castelo na milyon-milyong piso ang matitipid ng bansa kung iuutos ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment case laban kay VP Sara Duterte para hindi na magsagawa pa ng paglilitis.

Punto ni Ortega, kumpara sa magiging gastos sa impeachment trial ay mas malaki pa rin ang umano’y maling paggamit ng mga tanggapan ni Vice President Sara Duterte ng confidential at intelligence funds na umabot sa P612.5 milyon.

Kasabay nito ay pinalagan din ni Ortega ang sinabi ni Castelo na depektibo sa simula pa lang ang impeachment case na kinakaharap ng bise presidente.

Facebook Comments