Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Francis Kiko Pangilinan na magiging pagsasayang lang ng oras kung magko-convene ang senado bilang impeachment court para litisin si Commission on Elections o Comelec Chairman Andres Bautista.
Ito ay makaraang magdesisyon ang plenaryo ng Kamara na ipa-impeach si Bautista.
Ipinaliwanag ni Pangilinan, na ang layunin ng impeachment ay para alisin sa pwesto ang isang impeachable official katulad ni Bautista.
Diin ni pangilinan, hindi na kailangang magkaroon pa ng impeachment trial para kay Bautista dahil nagbitiw na ito sa pwesto na magiging epektibo sa katapusan ng December 2017.
Facebook Comments