Impeachment vs. Bautista, tinapos na ng Kamara

Manila, Philippines – Tuluyan ng tinapos ng House Committee on Justice ang impeachment process sa Kamara laban kay outgoing Comelec Chairman Andres Bautista.

Idineklara ng moot and academic ni Justice Committee Chairman Rey Umali ang impeachment complaint na inihain nila Atty. Ferdinand Topacio at dating Congressman Jing Paras laban kay Bautista.

Ito ay matapos na isumite ng mga abogado ni Bautista ang liham ni Executive Sec. Salvador Medialdea na tinatanggap ng Pangulong Duterte ang resignation ng Comelec Chairman “effective immediately”.


Sinunod ng komite ang naging pasya ng Korte Suprema sa kaso ni dating Pangulong Estrada na nilisan ang Malakanyang na nangangahulugang nagbitiw na ito sa pwesto.

Ayon kay Justice Committee Vice Chairman Doy Leachon, ganito rin ang nangyari kay Bautista na kung saan matapos na ianunsyo kahapon na tinatanggap ang pagbibitiw nito ay agad din itong tumalima at umalis sa kanyang tanggapan sa Comelec.

Facebook Comments