Magpupulong ngayong araw ang mga opisyales ng lungsod kasama ang leading agencies na nagpapatupad ng pinaigting na Absolute No Parking sa mga pangunahing lansangan.
Sa naging panayam ng DXMY kay Secretary to the Mayor Anecito Rasalan, sa naturang pulong ay ilalahad ng Traffic Management Unit (TMU), Traffic Management Center (TMC),
Public Safety Office, Task Force Kutawato, Special Forces Battalion, PNP at iba pang concerned agencies na nangangasiwa sa pagpapatupad ng traffic rules sa syudad ang kani-kanilang asessment kaugnay ng unang linggo ng implimentasyon ng absolute no parking partikular sa Sinsuat Avenue.
Sinabi pa ni Rasalan na ilalahad din ng mga ito ang kani-kanilang mga mga panukala kung alin sa kasalukuyang traffic code ang kailangan nang baguhin, tutukuyin ang loading at unloading sites at parking areas.
Malalaman din sa pulong kung saang mga lansangan pa sa lungsod sasakupin ng absolute no parking.
Inihayag pa ni Rasalan na magkakaroon pa ng mga pagpupulong sa mga susunod na araw hanggang sa mabubuo nila ang bagong traffice code sa lungsod at ang mga bagong penalidad sa mga lalabag dito.
Umaasa pa si Sec. Rasalan na sa lalong madaling panahon ay matutugunan na ang problema sa trapiko sa syudad sa pamamagitan ng mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan at mga katuwang nitong ahensya.
Kasabay nito ay pina-unahanan na ni Rasalan ang mga sumasakop sa mga road right of way, lalo na yaong mga nagpatayo ng istruktura, anya ito ang susunod na target na linisin ng local government.(D.M)
Pic KP